Sinusulit ng ilang Kapuso celebrity dads ang panahon ng quarantine para makipag-bonding at makipagkulitan sa kanilang mga anak.

Sa “Unang Hirit” nitong Biyernes, sinabing sinasamahan ni Bossing Vic Sotto ang anak niyang si Talitha sa swimming at singing lessons nito.

May isang segment pa sa “Eat Bulaga” kung saan panay ang paglalambing ni Baby Tali sa kaniyang ama habang nagho-host ito ng “Bawal Judgmental” segment.

Favorite subject naman ni Dingdong Dantes sa bagong kinahihiligan niya na photography ang kaniyang pamilya.

Sinisiguro ni Kapuso Primetime King na nakukunan niya ang mga precious moment kasama sina Marian, Zia at Ziggy.

Bukod dito, proud stage father din si Dingdong habang tinuturuan niya si Zia na mag-drums.

Hands on naman sa mga anak niyang sina Tori at Priscilla si Mike Tan, na pinaka-favorite ang storytelling hanggang sa makatulog ang dalawa.

New achievement unlocked para kay Mike ang pag-bake ng cake ngayong quarantine para sa birthday ni Baby Priscy.

Ayon naman kay Solenn Heussaff, malayo ang pagiging tatay ng asawa niyang si Nico Bolzico sa pagiging makulit at kuwela nito.

Very loving at caring ang first-time dad na si Nico kay Baby Thylane lalo’t hati sila ni Solenn sa household chores dahil wala silang kasambahay.

Proud din ang first time dad na si Pancho Magno nang bihisan niya si Skye Anakin ng Star Wars OOTD kung saan nakuha ang kaniyang pangalan.

Si Skye din daw ang kaniyang best buddy workout, na katabi ni Pancho habang nag-e-exercise. – Jamil Santos/RC, GMA News