Sa halip na mag-unbox, muling ikinahon ni Paolo Contis ang laruang gauntlet ni Thanos sa kaniyang “AngBoxing” video.

Ngunit ang inaakala ng netizens na simpleng pagkakahon lamang, sa likod naman nito ang desisyon ni Paolo na ibigay na kay Aki ang pinaka-iingat ingatan niyang laruan.

Napatunayan na raw ni Aki kay Paolo na kaya na nitong mag-ingat ng mga mamahaling laruan.

Maging maingat nga kaya si Aki ngayong ibinigay na sa kaniya ni Paolo ang laruan na matagal na niyang inaasam? Panoorin ang nakakatuwa nilang video. – Jamil Santos/RC, GMA News