Dahil breadwinner sa kanilang pamilya, sinabi ni Yasser Marta na kailangan niyang alagaan ang kaniyang katawan at isipan lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

"I still keep myself fit. 'Yun talaga ang mahalaga sa akin kasi noong nagsisimula akong gawin ang character ni Jun , 'yun 'yung talagang halos bago kami mag-taping everyday akong nasa gym," patungkol ni Yasser sa kaniyang karakter sa seryeng "Bilangin Ang Bituin sa Langit" nang makapanayam sa sabi ni Yasser sa panayam sa GMA Regional TV Live.

Patuloy niya, "Kapag nagbalik-taping hindi naman dapat maiba pa rin so tuloy-tuloy pa rin ang workout ko, home workout talaga ang ginagawa ko ngayon."

Paraan din daw ni Yasser ang pag-e-ehersisyo para malabanan ang anxiety ngayong may COVID-19 pandemic.

"Pinakamahalaga for me rin kasi 'yung mental health natin. Ako para maiwasan ang anxiety, ang dami sa atin ngayon na nakakaramdam ng anxiety because of the pandemic, du'n ko nalalabas din sa pagwo-workout," pahayag niya.

"Then to keep me motivated, ako kasi ang breadwinner ng family so lahat ng ito ginagawa ko rin for my family," anang aktor.

Mapapanood si Yasser bilang si Anselmo "Jun" Santos, ang leading man ni Kyline Alcantara sa "Bilangin Ang Bituin sa Langit." -- Jamil Santos/FRJ/LA, GMA News