Mula sa pagkanta, sinubok ng founder, composer at lead guitarist ng bandang M.Y.M.P. na si Chin Alcantara ang food business ngayong may COVID-19 pandemic. Bukod dito, siya na rin ang delivery rider ng itinitinda niyang milk tea.

Sa "Bright Side" ng GMA Public Affairs, sinabing sinimulan ni Chin ang kaniyang milk tea at food nitong Hunyo.

"Sabi ko 'Sige ako muna 'yung magra-rider habang wala pa tayong rider. Sinimulan namin sa June, ako na mismo nag-deliver sa mga milk tea," sabi ni Chin.

Bukod dito, tutok din si Chin sa kalidad ng kanilang pagkain sa kaniyang food business.

Best seller nila ang tofu sisig, beef with brocolli, inihaw na pusit, barbecue, buttered chicken at beef tapa.

Nasanay na rin aniya kalaunan si Chin sa ginawa niyang pag-a-adjust para may bagong pagkakitaan.

"Kailangan marunong tayo at willing tayong mag-adjust sa situation. Magtipid tayo, at willing tayong mag-sacrifice," anang music artist. --Jamil Santos/FRJ, GMA News