Dahil sa mga tulong na ipinamimigay ng "Wowowin-Tutok To Win," may mga taong nagsasamantala at nagpapanggap na tauhan sila ng programa para makakuha ng pera sa mga biktimang kunwaring mananalo.

Kaya naman nagbabala sa publiko ang host ng show na si Willie Revillame na mag-ingat sa mga magpapakilalang tauhan ng "Wowowin" at "Tutok to Win" para manghingi ng pera o load. Alamin ang naturang modus sa video.

--FRJ, GMA News