May bagong kaalaman na natutunan si 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez sa kaniyang military training.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing ang pagbuo ng baril ay bahagi ng Basic Citizen's Military Training ni Winwyn sa Philippine Navy.

Ipinakita ng Kapuso actress kung paano niya binuo ang isang caliber 45 na baril at isang M-16 rifle.

Para daw kay Winwyn, ang safety ang pinakaimportante sa tuwing hahawak ng baril.

Very proud din ang aktres sa disiplinang natutunan niya sa kaniyang training na nagsimula nitong nakaraang Agosto. --FRJ, GMA News