Ipinakita ni Jennylyn ang kaniyang full-support sa nobyong si Dennis Trillo nang makisaya siya sa ika-13 kaarawan ng anak ng aktor na si Calix.

Sa Instagram ni Dennis, makikita ang basketball-themed birthday celebration ni Calix na inihanda para sa kaniya ni Dennis kasama si Jen.

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing naging simple lang ang pagdiriwang sa bahay dahil sa pandemic.

Nitong Agosto, si Dennis naman nagpakita ng kaniyang suporta nang tumulong siya sa preparation ni Jennylyn para sa ika-12 kaarawan ng naman ng aktres na si Jazz.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

13????

A post shared by Dennis Trillo ????????????‍?? (@dennistrillo) on

 

Nagbihis pa si Dennis ng asul na long sleeves na may orange na bonnet, tie at suspenders para gayahin si Blippi, na isang kilalang American children's entertainer at educator.

Nagpasalamat naman si Jen kay Dennis nang i-channel nito ang kaniyang inner "Blippi" na paboritong karakter ni Jazz.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News