Hindi na makakasama si Sofia Pablo sa pagbabalik taping ng "Prima Donnas," alinsunod na rin sa ipinatutupad na quarantine protocols tungkol sa mga menor de edad.

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing 14 anyos pa lang si Sofia, na gumaganap bilang si Donna Lyn o Len Len.

Sa kanilang statement, inihayag ng GMA Entertainment Group, na ikinalungkot nila ito pero kailangan pa ring gawin bilang pagsunod sa alituntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinagbabawal ang pagtatrabaho ng mga edad 15 pababa sa gitna ng community quarantine.

Tiniyak naman ng Entertainment Group na masusunod ang safety protocols at guidelines sa muling pagsisimula ng taping ng "Prima Donnas." – Jamil Santos/RC, GMA News