Nanalo si Alden Richards bilang "Pinakapasadong Aktor" sa ika-22 Gawad Pasado.

Natanggap ng Asia's Multimedia Star ang award nitong Oktubre 10, dahil sa magaling niyang pagganap sa 2019 hit film na "Hello, Love, Goodbye."

Sa isang video, pinasalamatan ni Alden ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro sa pagbibigay sa kaniya ng award.

Muli ring pinasalamatan ni Alden ang GMA Network, ang produksyon ng "Hello, Love, Goodbye" na Star Cinema para sa proyekto, direktor na si Cathy Garcia-Molina, at kaniyang leading lady na si Kathryn Bernardo.

 

—LBG, GMA News