Sa programang "Mars Pa More," ibinahagi ng actress-singer na si Rachel Alejandro ang naging buhay niya at ng kaniyang mister sa New York, USA, na isa sa mga lugar sa Amerika na matinding tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Ipinasilip din ni Rachel ang ilan sa mga lugar na kaniyang pinupuntahan at inihayag ang hangaring umuwi ng Pilipinas dahil sa kaniyang lola na nagpalaki sa kaniya. Panoorin.


--FRJ, GMA News