Muling ipinakita ng "Eat Bulaga" dabarkads na si Paolo Ballesteros ang isa pa niyang natatagong talento bukod sa pagiging mahusay na aktor, TV host, singer, at makeup artist.

Si Paolo rin pala ang nagdisenyo ng Gigantes-inspired national costume na isinuot ni Binibining Pilipinas–Rizal 2020 Honey Cartasano.

Maraming pageant fans ang humanga nang makita ang “Gigantes Queen” sa Instagram.

“I can’t wait for everyone to see and know more about my national costume, but let’s leave it as it is for now and wait a little longer for the actual presentation,” saad ni Honey sa caption ng post.

 

 

Naka-tag si Paolo sa larawan at pinasalamatan ni Honey.

“Thank you so much for the opportunity to wear another masterpiece showcasing one of our province’s BIG and colorful festival,” ani Honey.

Sa Instagram ni Paolo,  makikita ang ginawang pagtulong ng dabarkads sa pambato ng Rizal sa Binibining Pilipinas bilang isang creative director.


--FRJ, GMA News