Isa ang Marikina City sa mga malubhang nasalanta ng bagyong "Ulysses." Si Kuya Wil, labis na humanga sa alkalde ng lungsod na si Marcy Teodoro nang makita niyang naglalakad ito sa baha para tutukan ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Kasunod nito ay ianunsyo ni Kuya Wil sa "Wowowin-Tutok To Win" na nagbenta siya ng sasakyan para may maidagdag na donasyon sa mga nasalanta ng bagyo.

Kabilang dito ang P5 milyon na nais niyang ibigay sa Marikina.

Personal naman na bumisita si Mayor Marcy sa programa upang tanggapin ang ipinangakong tulong ni Kuya Wil sa lungsod.

Kumusta na nga ba ngayon ang Marikina matapos ang nangyaring kalamidad? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News