Ipinagdiwang ni Zia Dantes ang kaniyang ikalimang kaarawan nitong Lunes sa isang Cocomelon-themed na party. Ang kaniyang mommy Marian Rivera, touched sa naging hiling ng kaniyang anak.

"Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the World to be healed.  awwww," saad ni Marian sa kaniyang Instagram bilang pagbati sa kaniyang anak.

 

 

Nagpasalamat din si Marian sa pagiging thoughtful ni Zia, at nangakong lagi nitong poprotektahan at susuportahan ang anak.

Sinorpresa rin si Zia ng kaniyang mga magulang nang ipapanood sa kaniya ang mga pagbati mula sa kaniyang mga hinahangaang media personalities, na makikita sa Instagram ni Dingdong.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News