Naninirahan ngayon sa Siargao, ikinuwento ni Andi Eigenmann kung paano nabuo ang kaniyang desisyon na yakapin ang "island life," at ang kaniyang tuwa nang madiskubreng ito rin ang gusto ng anak niyang si Ellie.

Sa "Tunay Na Buhay," sinabi ni Andi na gusto niya munang magpahinga sa showbiz at igugol ang oras kay Ellie.

"I've always been an island lover, like a beach girl. 'Yan ang favorite past time ko kapag nakakakuha ako ng time off work. Nu'ng nandoon na ako sa point na feeling ko I need to take a break in showbiz, I wanted to have more time with Ellie, 'yun 'yung mga una naming ginawa, magbakasyon together," sabi ni Andi.

"I've been to many places in the world. Iba lang 'yung naging effect sa amin ng Siargao. Kumbaga talagang nakita ko 'yung sarili ko doon," dagdag niya.

Labis naman ang tuwa ni Andi nang malamang masaya rin si Ellie sa island life.

"She fit in very well. She made friends so fast, she blended in. I was so happy... Oh my gosh, pareho kami na gusto namin 'to. Bagay kami dito."

Nagustuhan daw ni Andi ang pagiging simple at tahimik ng buhay sa Siargao at "warm" at "welcoming" pa ang mga tao.

"To belong to a community like that from an industry where you are constantly judged and people always have something to say, it's what made me realize that this is the kind of life that I want for myself and I feel for my children," anang aktres.

Buntis ngayon si Andi sa kaniyang baby number 3, at ikalawang anak sa partner na si Philmar Alipayo.

Nasa Maynila siya ngayon para tugunan ang ilan niyang medikal na pangangailangan.

"We are hoping that once my doctor says that I can fly, I really get to fly there na. Kumbaga ang nandito na lang for me is just the fact that I respect the relationship of Ellie and her dad (Jake Ejercito). Pero other than that, du'n na talaga 'yung buhay namin," sabi ni Andi. – Jamil Santos/RC, GMA News