Sa kanilang pagsabak sa ‘Never Have I Ever’ challenge sa "IRL", magkakabukingan na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos kung sino sa kanila ang ma-"ghost" o mang-"ghost.'

"Ghosting" ang tawag sa isang tao na pumasok sa relasyon na bigla na lang hindi nagparamdam o nawala na lang na parang bula.

Si Gabbi, sinabing hindi pa siya na-ghost o nang-ghost. Pero si Khalil, inamin na minsan na siyang nang-ghost at ipinaliwanag niya kung bakit.

Panoorin ang video at alamin din kung sino sa dalawa ang nagkaroon na ng relasyon na walang "label."

--FRJ, GMA News