Lalaki ang baby na ipinagbubuntis ngayon ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto.

Ibinahagi ni Iwa sa Instagram post ang masayang balita tungkol sa kasarian ng paparating na baby nila ni Pampi Lacson.

“Were having another boy… Excited na kami baby. Love you,” saad ni Iwa sa caption ng gender reveal ng baby.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa)

 

Nitong nakaraang July nang ibalita ni Iwa ang kaniyang muling pagbubuntis.

May anak na babae na sina Iwa at Pampi na si Mimi.

Kabilang naman sa mga bumati kay Iwa ang aktres na si Jodi Sta. Maria, na dating partner ni Pampi, at mayroon silang isang anak na lalaki.

Sa kabila ng paghihiwalay nina Jodi at Pampi, naging maganda ang samahan ng dalawang aktres, at pati na ang kanilang mga anak.— FRJ, GMA News