Masayang sinalubong ni “The Clash” alumnus Mirriam Manalo ang bagong taon sa pagsilang niya ng kaniyang bagong baby girl.

Sa kaniyang Instagram, ipinasulyap ni Mirriam ang kaniyang anak na si Lilah Emilia na isang buwan na ngayon.

“A new baby is like the beginning of all things—wonder, hope, a dream of possibilities. Here is for a great New Year ahead!” caption ni Mirriam patungkol sa kaniyang anak sa post.

“Happy First New year and First month My little doll! Thank you for giving us joy, and inspiration! I love you Lilah Emilia #Lucky7” paglalahad pa ni Mirriam, na finalist ng Season 1 ng “The Clash.”

Matatandaang nagdalamhati si Mirriam nang pumanaw ang anak niyang si Layla Elleina matapos makipaglaban sa sakit na spinal muscular atrophy noong 2019.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Namaalam ang walong-buwang-gulang na anak noon ni Mirriam gabi ng Oktubre 8, 2019, matapos maospital sa Asian Hospital and Medical Center nang dalawang linggo dahil sa pneumonia, na komplikasyon ng kanyang sakit.

Nakapasok si Mirriam sa Final Top 6 ng The Clash Season 1, at kasama nina Garrett Bolden, Josh Adornado, Jong Madaliday, Anthony Rosaldo, at Golden Cañedo. – Jamil Santos/RC, GMA News