Handa na ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez na magsimula ng panibagong buhay sa lilipatan nilang bahay sa Subic, Zambales.

Ayon sa dalawa, umalis na sila sa kanilang naging unang tahanan na isang condo sa Metro Manila bilang mag-asawa.

“Aaaaand we’re outta here!!!” saad ni Megan sa caption ng larawan nitong Huwebes.

“So sad to be leaving this place because it was our first home as husband and wife [sad emoji] but I’m happy we are moving to a place that we can finally call our own,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Mikael sa kaniyang account, halos 95 percent na ang kanilang paglipat “with several days to spare.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

 

“We planned super early and made sure to not over work ourselves during each moving day. We ended up with a happy pace and now it’s time to properly settle in our new home which is a maze of boxes and garbage bags,” patuloy ng aktor.

“Cheers to a super fresh start in 2021,” pahabol pa niya.

Una rito, inihayag kamakailan nina Megan Young at Mikael Daez ang plano nilang paglipat sa Subic, isang taon matapos silang magpakasal.– FRJ, GMA News