Isa pang impersonator ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kinaaliwan ngayon ng netizens. Ano nga ba ang kaibahan ni Gabo Adeva sa ibang gumagaya kay Regine para hangaan siya ng mga tao?

Sa panayam ng programang "Mars Pa More," pabirong sinabi ni Gabo na look-alike siya ni Regine pero ka-boses niya ng asawa nitong si Ogie Alcasid.

Kaya naman si "Mars" Camille Prats at Iya Villania, aliw na aliw sa kaniya. Paano nga ba niya napili si Regine na gayahin at sino pa ang iba niyang ginaya? Panoorin ang masayang panayam.

--FRJ, GMA News