Maliban sa pagganap sa drama series, nasubukan na rin ni Barbie Forteza ang comedy, tulad nang mag-guest siya sa "Bubble Gang." Alin nga ba sa dalawa ang mas komportable niyang gawin?

"First of all gusto kong magpasalamat dahil hinahayaan ako ng GMA na i-explore kung saan talaga ako mag-e-excel and kung ano pa 'yung mga kaya kong gawin. Ngayon parang kasama na sa mga kaya kong gawin ay ang drama and comedy, which I am very thankful for," sabi ni Barbie sa Mornings with GMA Regional TV.

Pero kung si Barbie ang tatanungin, mas magaan na gawin ang comedy.

"To answer your question po siguro, kung pagiging komportable rin lang and 'yung parang stress-free, comedy siyempre," sabi ng Kapuso actress.

"Pero may kasabihan nga na mas madaling magpaiyak kaysa magpatawa. So challenging din naman ang comedy," dagdag ni Barbie.

Gusto raw masimulan ni Barbie sa good vibes ang 2021 para maging maganda ang takbo ng kaniyang taon.

"I'm trying to be very optimistic para rin siguro positive aura ang makuha ko. I like to plan things ahead at sinusubukan ko rin siya talagang ma-accomplish para rin sa sarili kong fulfillment."

"This year marami akong nakaplanong gawin for my personal goals and also for my family. So sana magawa ko siyang lahat this year," sabi pa ni Barbie na mapapanood sa "Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday." --FRJ, GMA News