Pinusuan ng netizens ang aliw na panonood ni Baby Joaquin na mag-boxing ang kaniyang ama na si Rodjun Cruz.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rodjun ang kaniyang boxing session, habang napapahalakhak naman si Baby Joaquin sa bawat suntok na kaniyang ibinibigay.

 

Kaya hindi rin maiwasan ni Rodjun na mapatigil sa training at aliwin ang anak.

"Are you enjoying anak? So you'll train with daddy ha," sabi ni Rodjun kay Joaquin.

"Enjoy na enjoy panoodin ni @babyjoaquinilustre ang Dada niya mag Boxing hehe!????????????????" caption ni Rodjun.

Sa kaniyang hashtag, sinabin ni Rodjun na si Joaquin na ang kaniyang #FutureTrainingpartner.  —LBG, GMA News