Naging inspirasyon ni Snooky Serna ang kaniyang co-actress na si Dina Bonnevie para pangalagaan ang kaniyang kalusugan at "magbalik-alindog" ngayong 2021.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras," sinabi ni Snooky na wala dapat excuses at bigyang prayoridad ang kalusugan.

"Magbalik-alindog. Naks para namang may alindog pa ako!" natatawang sabi ni Snooky.

"Grabe ang, talagang determination ni Dina na maging healthier and sexier, and she would always tell me na 'Cooks, mag-walking-walking tayo. Ngayon siguro 2021 I would really, really try my bestest best to do that, to be a healthier person," kuwento pa ni Snooky.

Si Dina naman, na kasama ni Snooky sa "Anak ni Waray vs. Anak ni Biday," gustong i-pursue ang hilig niya sa video vlogging.

Ang dami kong ginawang vlog. Before the pandemic, I had like four vlogs na nagluluto ako, pumunta pa ako sa market. I'd love to have that, YouTube channel na," ayon kay Dina.

Dahil sa new normal, wala munang pisikalan sa mga tarayan ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Pagkatapos ng refresher episodes, tagisan muna ng mga maaanghang na linya sa mga bagong episode.

Pagbabahagi ng mga bida nitong sina Barbie Forteza at Kate Valdez, todo ang adjustment ang lahat para sila maging epektibo sa lock in taping.

"'Pag mismong eksena na tapos mabigat 'yung emosyon, kailangan mong i-comfort 'yung kaeksena mo. Magiging mindful ka eh," sabi ni Barbie.

"Sa set na kapag darating beso, ganiyan, since hanggang ngayon may pandemic, minsan talaga nakakalimutan ko, 'Ay hindi pala puwede kahit naka-mask.' And ugali ko na rin po 'yung ma-hug, kaso pinipigilan ko 'yung sarili kong mang-hug kasi bawal na nga. Tsaka kasi ugali na rin namin magtsikahan, kumain sabay-sabay. So ngayon hindi na katulad before, malaking adjustment po 'yun," ayon kay Kate. – Jamil Santos/RC, GMA News