Ngayong 35 years old na siya, diretsahang sinagot ni Kapuso actor Ervic Vijandre kung handa na siyang pasukin ang buhay-pag-aasawa.

"Ako kasi hindi ko naman minamadali din 'yan eh. 'Pagka andiyan na... Hindi ko pinaplano 'yun eh. I'm just waiting for the right moment," sabi ni Ervic sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras."

Ipinagdiwang ni Ervic ang kaniyang kaarawan nitong Enero 26.

Sa kaniyang Instagram, sinorpresa si Ervic ng kaniyang mga mahal sa buhay sa kaniyang kaarawan, na hindi niya inaasahan.

"unexpected moments are always sweeter ??" caption ni Ervic.

"Na surprise talaga ako! Isipin niyo ako nagbayad ng pizza sa labas, Pag pasok ko naisip pa nila Akong I-surprise!???? It was really unexpected ???? the best surprise! ????????????"

 

Dark ang magiging karakter ni Ervic sa episode ng Wish Ko Lang nitong Sabado, na isang lalaki na nagnasa at gumawa ng kahalayan sa isang matanda nang ina.

"Dark ito, na pinag-isipan pa kung tatangapin or gagawin itong project," ayon kay Ervic. —LBG, GMA News