Apat na taon na ang relasyon nina Inah de Belen at Jake Vargas. At dahil nasa tamang edad na, natanong ang Kapuso actress kung napag-uusapan na ba nila ng aktor ang magpakasal.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras," sinabi ni Inah na napag-uusapan na nila ni Jake ang kasal pero mayroon pa raw silang gustong ma-achieve bago sila lumagay sa tahimik.

"To be honest, nasa age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin, but ang dami pa kasi naming gustong gawin," sabi ni Inah.

Ipinagdiwang nina Inah at Jake ang kanilang ika-apat na anibersaryo noong nakaraang Oktubre.

Sa kaniyang Instagram, nagbahagi ng video compilation si Inah ng most memorable moments nila ni Jake, kasama ang never-before-seen clips mula sa kanilang out-of-town trips.

 

 

Short but sweet naman si Jake sa kaniyang post, na larawan ni Inah at ang kaniyang magandang ngiti.

 

 

Mapapanood sina Inah, Jake at Juancho Trivino sa isang episode ng "Tadhana" na tatalakay sa pagkakaibigan na nasira dahil sa relasyon. --Jamil Santos/FRJ, GMA News