Hindi napigilan ni Baeby Baste na maging emosyonal nang makausap sa pamamagitan ng video si Vic Sotto na matagal na niyang hindi nakikita nang personal dahil sa COVID-19 pandemic.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Baste (@iambaebybaste)

 

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Baste ang ilang larawan at video na kausap si Bossing at pati na si Talitha.

"Yung naiyak ka dahil na miss mo sila [nang] sobra lalo po si Bossing," saad niya sa caption at naka-tag si Pauleen Luna-Sotto.

"Bossing, we miss you," sabi ni Baste sa video na umiiyak.

Nagkomento naman si Pauleen sa post na, "Wawa man dodong."

Bilang bahagi ng COVID-19 protocols, ipinagbabawal ang mga kabataang edad 15 pababa na lumabas ng bahay.—FRJ, GMA News