Tinuldukan na ni Gerald Anderson ang mga espekulasyon tungkol sa romantikong ugnayan nila ni Julia Barretto matapos niya itong aminin.

Sa panayam ni Boy Abunda nitong Biyernes, sinabi ng aktor na masayang-masaya siya ngayon, at "yes" ang kaniyang tugon nang tanungin kung si Julia ang nagpapasaya sa kaniya.

Kasabay nito, nilinaw din ni Gerald ang nagyaring biglaang pagwawakas ng relasyon nila ni Bea Alonzo pero wala raw "ghosting" na nangyari.

“Ang dating sa ’kin parang nasa gitna kami ng dinner and nag-decide ako mag-walk out, ’di na magpapakita kahit kailan,” saad niya tungkol sa ghosting.

“’Yon ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy relationship? Together, we were very toxic,” dagdag niya.

Noong Agosto 2019, itinanggi ni Gerald na si Julia ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Maging si Julia, idinepensa ang sarili sa siya ang dahilan ng break-up ng magkasintahan.

Nangyari din ang paghihiwalay nina Julia at nobyong si Joshua Garcia, at si Gerald naman ang itinuturong dahilan.

Ayon kay Gerald, natanggap na niya na siya ang sisihin sa mga hiwalayang nangyari.

“I couldn’t look at myself in the mirror kapag nagkwento pa ’ko about my relationship at kung paano kami naghiwalay o ’di naghiwalay,” ayon sa aktor.

Sinasabing posibleng nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Gerald at Julia nang magtambal ang dalawa sa isang pelikula noong 2019.– FRJ, GMA News