Taong 2014 nang aminin ni Katrina Halili ang breakup nila ni Kris Lawrence. Simula noon, wala nang lalaking na-link sa aktres.

Sa artikulo ni Glenn Regondola sa PEP.ph, sinabi ni Katrina na wala siyang panahon pagdating sa usaping pag-ibig. Bukod kasi sa trabaho, gusto raw niyang tutukan ang kaniyang pamilya at negosyo sa El Nido, Palawan.

“Wala po," tugon ni Katrina nang tanungin tungkol sa kaniyang love life. "Ganun siguro kapag okay ang career…walang love life."

“Okay naman na, dedma na sa love life. Nagsawa naman na ako nung bagets ako," dagdag pa ng 35-anyos na aktres.

Mayroon naman daw nag-iimbita pero tinatanggihan niya. Kaya naman daw mga kaibigang beki ang mga kasama.

Pero paglilinaw ni Katrina, hindi namang ganap na sarado ang puso niya sa pakikipagrelasyon.

“Siguro 'pag may chance na makita ako na gusto ko. Sa ngayon, walang nanliligaw kasi skeptical nga ako,” ayon kay Katrina na masaya raw ngayon bilang ina ng walong-taong-gulang niyang anak na si Katrence.--For more showbiz news, visit PEP.ph