Magbabalik-Kapuso ang batikang aktor na si Albert Martinez para sa upcoming series na “Las Hermanas.”

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules,  sinabi ni Albert na nagustuhan niya ang kaniyang karakter na gagampanan sa serye.

“He’s a mysterious guy na you really don't know what he's thinking. Iba yung perception niya in public pero iba yung tumatakbo sa utak niya,” kuwento ng aktor.

Sabi pa ni Albert, mayaman ang kaniyang role sa serye na nais makuha ang anumang gustuhin.

Unang pagkakataon na makakatrabaho ni Albert sa naturang proyekto sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Jason Abalos, at bumilib daw siya.

“I felt na serious sila on what they’re doing. Actually very impressive. Nakikinig lang ako (and) the way they talk, the way they deliver their lines, I can feel na yung emotions ng eksena,” kuwento niya.

Nakahanda na rin daw si Albert kapag nagsimula na ang kanilang lock-in taping.

Dahil naranasan na raw niya ang lock-in shoot sa pelikula, alam na raw niya ang kaniyang mga kailangang gawin at dadalhin. --FRJ, GMA News