Inihayag ni Aicelle Santos kung paano mas tumatatag ang kaniyang pananalig sa Diyos upang harapin ang mga pagsubok ng COVID-19 pandemic.

"That strengthened my faith and 'yung tiwala ko talaga kay Lord na no matter what, whatever happens, He's in control," sabi ni Aicelle sa "Share Ko Lang."

Kailangan ko lang balikan 'yung miracles na nangyari sa akin nu'ng mga nakaraang taon tapos ibabalik ko ngayon. And that's when I, you know, after that prayer, makakalma na lang ako na, 'Oo nga naman, Lord. Why should I fear?'" dagdag ng Kapuso singer.

Kuwento ni Aicelle, hinahangaan ni Mark ang matatag niyang pananampalataya.

"May mga usapan kami ng husband ko na ganito. Sabi niya, 'I want your faith.' Sabi sa akin ng husband ko, 'Kasi I was never tested the way you were.'"

May paalala naman si Aicelle kay Mark na mabuti nang hindi ito dumaan sa pagsubok na tulad ng dinaanan ng kaniyang pamilya.

"Sabi ko, 'Huwag mo nang hintayin kasi ang hirap talaga ng pinagdaanan naming pamilya. 'Wag nang ganu'n. Basta know that whatever you're going though... Lagi namang naririnig ito, e. Hindi naman ibibigay ni Lord 'yan kung hindi mo kaya.' Totoo 'yon."

Sa mga pagkakataong nakakakaramdam ng pagod o stress si Mark, si Aicelle ang laging nagpapaalala na magpasalamat.

"So parang ako lang, I'm just here to remind him pero hindi ko para ipilit, hindi ba? Kasi minsan parang close to nagging na or something. So ako lang, when he feels na naiinis sa work, you know, finances, ganyan... 'Ako 'yung voice of conscience mo sa likod. "Okay lang 'yan kasi alam mo mayroon tayong ganito, ganito, ganito. That's something to be happy about, 'di ba?' So ganu'n lang," pagbahagi ni Aicelle.

Para naman kay Aicelle, si Mark ang "life of the party" ng kaniyang pamilya.

"He's a joy giver. Parang may kasama kang bata. Magaan siya kasama. Para kang biglang my kalaro. Kasi ako 'pag kausap mo ako mas seryoso ako. Tingnan mo nga, 'di ba, 'pag nag-usap tayo medyo seryoso. Siya, 'yung magaan lang. Minsan mga kalokohan, ganyan," sabi ni Aicelle.

"So feeling ko maganda 'yung balanse namin especially now that we have a baby," dagdag pa niya.

Ikinasal sina Aicelle at Mark noong Nobyembre 2019.

Isinilang ni Aicelle ang kanilang anak na si Baby Zandrine Disyembre noong nakaraang taon.

Panoorin ang buong panayam kay Aicelle sa "SKL."

--FRJ, GMA News