Tulad ng mga ibang kababaihan, may mga nakalolokang ginawa rin noon sa ngalan ng pag-ibig ang "Bubble Gang" babes na sina Chariz Solomon, Analyn Barro, at Lovely Abella.

Sa online show na "Ladies Room," alamin kung sino sa tatlo ang humarang sa trapik habang umuulan para makipagbalikan ang boyfriend na ayaw na sa kanilang relasyon.

Ang isa naman, nagmatigas na nagkulong sa loob ng cabinet sa loob ng apat na oras, habang tumangga naman ng rubbing alcohol ang isa pa mapansin. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News