Nakapag-invest ng farm lot ang mag-sawang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa Alfonso, Cavite, na bunga ng kanilang pagsisikap at team work.

"Sa panahon ngayon importanteng marunong tayo dapat mag-ipon, invest at kung saan maganda ilagay ang pera natin," caption ni Dianne sa kaniyang Instagram.

 

 

"This all pure hard work and team work. I wanna thank the Lord for this blessing," dagdag ni Dianne.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing bago nito, napagawa na rin nina Dianne at Rodjun ang kanilang bahay at naitayo ang sarili nilang business.

Nag-alok naman ni Dianne ng tulong na kontakin siya kung may nais na magpatulong o humingi ng payo kung papaano palalaguin ang nakatabing ipon.

"To be able to give back gusto ko rin makatulong sa iba if you want advice, tips on how you can handle your money really well at kung paano at saan ba maganda mag-invest," saad niya.--FRJ, GMA News