Kahit busy sa kani-kanilang trabaho, umisip pa rin ng paraan ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na ipagdiwang ang kanilang 47th monthsary bilang magkasintahan.

Sa Instagram stories ni Barbie, ibinahagi nila ang larawan ng steak na niluto para sa kaniya ng nobyo.

“Monthsary dinner! Steak cooked with love by Jak Roberto. I love you!” anang aktres sa caption.

Sa Jak naman, nag-post din ng larawan nila Barbie habang hinakalikan niya ang buhok ng dalaga.

“Happy 47th [Monthsary] Madam!” ayon sa aktor.

Ipagdiriwang ng dalawa ang kanilang 4th anniversary sa Mayo. —FRJ, GMA News