Inilahad ni Ellen Adarna na mas pipiliin niyang sumubok muna sa isang live-in set-up bago niya pakasalan ang kaniyang karelasyon.

Ito ang ibinahagi ni Ellen sa "Between Us Queens" podcast nina Pia Wurtzbach, Bianca Guidotti, at Carla Lizardo.

Ayon kay Ellen, engaged na kay Derek Ramsay, sinasang-ayunan niya ang ideya ng live-in dahil ang mga magulang niya mismo ay mga "not very conservative."

Katunayan, ang kaniyang ama pa raw mismo ang nagpayo sa kaniya noon na makipag-live in muna sa boyfriend, at kilalanin nang mabuti ang lalaki.

"Kasi 'yun talaga fear niya, 'yung magpakasal kami at a very young age. So he wanted us to get to know our partner to know what we want and what we don’t want," sabi ni Ellen.

Dagdag pa ni Ellen, naiiba ang kaniyang ama sa karamihan ng mga tatay na tradisyonal pagdating sa relasyon.

"My dad is so different but my mom was always scared," sabi niya.

Ayon pa kay Ellen, laging ipinakikita sa kanila ng kanilang ama ang "tough love" at naniniwala ito na kailangan niyang hayaan ang kaniyang mga anak para matuto sila.

"I think that’s why my relationships don’t last long kasi ako hindi ako matiis eh," pag-amin ni Ellen.

"OK, we lived in for months. I don’t wanna be with this guy so why would I waste my time," sabi niya.

Sinabi pa ni Ellen na sa mga live-in arrangement niya noon sa kaniyang mga nakarelasyon, siya ang nagbabayad sa kaniyang bills at sinusunod nila ang KKB o kaniya-kaniyang bayad rule.

Ayon sa aktres, hindi niya ma-imagine na makikipagrelasyon siya sa isang tao na hindi siya nakipag-live in dahil mararamdaman niyang hindi niya ito lubusang nakilala.

Noong nakilala niya si Derek, sinabi ni Ellen na nasa mas mabuting kalagayan siya ng pag-iisip kaya nakapag-communicate siya nang maayos sa aktor.

Nagpayo si Ellen sa mga gusto ng live-in sa kanilang mga partner pero natatakot.

""Well, yes you should try it kasi hindi mo pa na-try 'di ba and you’ll never know unless you try... And mahirap talaga if you don’t really know the person, let’s say if you’re going to marry him mag-iiba kasi talaga eh," sabi niya.

"Mas mabuti na ‘yung i-test drive mo muna... For your protection also you have to think about the future and yourself because things can really go wrong," dagdag ni Ellen.

Na-engaged sina Ellen at Derek nitong Marso, matapos ang mahigit isang buwan na magkarelasyon. --FRJ, GMA News