Inihayag na ng SB19 ang title ng kanilang bagong single na ilalabas nila ngayong Mayo.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing "Mapa" ang title ng bagong awitin ng P-pop group na ilalabas nila sa May 16.

Una rito, nag-post ng grupo ng larawan na makikita ang world map at may hashtag na "saan"?

Ang Mapa ay follow sa matagumpay nilang single na "What?"

Kamakailan lang ay gumawa ng kasaysayan ang SB19 nang maging nominado sila sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards 2021 at kahanay ng iba pang sikat na international artists tulad ng BTS at Blackpink.--FRJ, GMA News