Madadagdagan ang lumalaking pamilya ng aktres na si Nadine Samonte at mister niyang si Richard Chua.

Sa Instagram, ibinahagi ni Nadine ang magandang balita sa pamamagitan ng pag-post ng larawan ng pamilya at makikita ang kaniyang baby bump.

Sa caption, inihayag na magiging lima na sila sa pamilya.

“Happy to announce that now we are a family of 5. Hello second trimester,” anang aktres.

Umani ng mga pagbati maging sa mga kapwa celebrities ang naturang post ni Nadine.

 

 

Taong 2019, nang isilang ni Nadine ang ikalawa nilang anak na si Titus. Si Heather naman ang pangalan ng isa pa nilang anak.

Taong 2013 nang magpakasal sina Nadine at Richard.--FRJ, GMA News