Dahil parehong asawa ng isang Muslim na lalaki na gagampanan ni Dennis Trillo, nagkuwento sina Alice Dixson at Andrea Torres tungkol sa matinding "banggaan" ng kanilang mga karakter sa upcoming series na "Legal Wives."

"Napag-usapan nga namin the other day na 'Nami-miss namin si Amirah.' Kasi iba rin 'yung flavor ni Amirah, mapang-asar siya eh," kuwento ni Andrea sa ArtisTambayan.

Natutuwa raw si Alice sa tuwing ginagampanan niya ang trabaho niya na mang-inis bilang si Amirah.

"That's my role. I always get Andrea's character... na nagngingitngit, ako rin 'yung nang-aasar tsaka to say words na talagang malalim 'yung tama sa dibdib kaya nanggigigil 'yung [viewers]."

"It makes a rivalry there para sa puso ng [character] ni Dennis at para sa atention niya. So I really try to find ways, kasi siyempre hindi ko naman siya maiinsulto, hindi ko naman siya masasaktan. So ang way lang ni Amirah para makaganti is inis nang inis," sabi ni Alice.

Hindi naman nagpahuli ang karakter ni Bianca Umali na si Farrah, ang ikatlong asawa.

"Kapag nagsama-sama na kaming tatlo, at siyempre sa aming dalawa ni ate Ada, napakaraming kaabang-abang. Si Farrah meron din siyang magandang kuwento na tatahakin," sabi ni Bianca.

Ang "Legal Wives" ay tungkol sa kultura ng mga Muslim, matatalakay dito ang pagpapahintulot sa lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa.

Gumaganap si Dennis bilang si Ishmael, na ikinasal kina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).--FRJ, GMA News