Bagong sasakyan ang natanggap na birthday gift ni Rufa Mae Quinto mula sa kaniyang mister.

Sa Instagram, nag-post si Rufa Mae ng video clip habang nagmamaneho kasama ang anak na si Athena.

"Birthday gift," saad niya sa caption. "Saya saya namin mag -ina!"


Hindi naman kinalimutan ng aktres na pasalamatan ang kaniyang mister na si Trevor Magallanes.

Kasalukuyang nasa San Francisco, California si Rufa Mae kasama ang pamilya matapos siyang abutan doon ng lockdown noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam kamakailan sa "Tunay Na Buhay," inihayag ng aktres na babalik pa rin siya sa Pilipinas. —FRJ, GMA News