May imaheng pabling at chickboy ang dating basketball player at komedyanteng si Joey Marquez. Sa programang "Tunay Na Buhay," ibinahagi niya ang tatlong pangunahing hanap umano ng babae sa lalaki.

Ayon kay Joey, tatlong kategorya ang laging binanggit ng mga babae kapag tinanong kung ano ang hanap nilang katangian ng isang lalaki.

1. Dapat punong-puno ng sense of humor.

2. Dapat handang tumanggap ng responsibilidad.

3. Dapat may "security" (na kaya niyang buhayin ang babae).

"Yung tatlo lang 'yon makuha mo, mapapa-in love mo halos lahat ng babae," sabi ng aktor.

Ang host ng programa na si Pia Arcangel, napaayon sa sinabi ni Joey.

"Parang totoo naman. Tama naman," natatawang sabi ni Pia.

Panoorin ang video ng buong panayam kay Joey kung saan nagbigay ang aktor ng mga hirit na pick-up lines sa babae at ibinahagi rin niya kung papaano siya napasok sa showbiz mula sa pagiging basketball player.

--FRJ, GMA News