Inihayag ni Faith Da Silva na walang kaso sa kaniya na makipagrelasyon sa isang lalaking mas matanda sa kaniya.

"For me, wala din naman kasi akong pakialam sa age. For me age is just a number," sabi ni Faith sa Kapuso Showbiz News.

Gayunman, nilinaw ni Faith na hindi niya muna priority ang relationship sa ngayon.

"But of course ngayon wala naman yan sa isip ko pa kasi 'yung focus ko is my career. But kung dadating man tayo sa panahon na 'yon, why not 'di ba?," saad ng dalaga.

"Basta mahal ako ng tao, nirerespeto ako, nirerespeto 'yung pamilya ko, at gusto na mag-grow ako as a person at matutulungan ako na gawin 'yon, bakit hindi?," patuloy niya.

Inilahad naman ni Faith kung bakit ok lang sa kaniya na maging karelasyon ang older guy.

"With older guys kasi mas marami kang matututunan, at saka mature na sila. Alam na nila kung ano 'yung gusto nila. So I think 'yun din ang qualities nila na gusto ko," paliwanag niya.

Kabilang si Faith sa bagong Kapuso series na "Las Hermanas," na nagsisilbing comeback project ni Albert Martinez sa GMA.

Kasama rin sa cast sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Jason Abalos.--FRJ, GMA News