Bilang isang bagong Kapuso, inilahad ni Bea Alonzo na gusto niya ring masubukang maging talk show host at mapanood sa mga sitcom.

"To be honest, I am ready to chase more dreams, not only with acting, and this time I feel like I want to discover more about myself, say I would like to explore the idea of probably having a talk show, or like appearing on say, sitcoms," saad ni Bea sa kaniyang #ProudToBEAKapuso Global Media Event nitong Huwebes.

Kuwento ni Bea, nagbiro sa kaniya ang madalas niyang leading man na si John Lloyd Cruz na kukunin din siyang guest sa sitcom ng aktor.

"Kanina lang kausap ko si John Lloyd, sabi niya ige-guest niya raw ako sa sitcom niya. I think I am ready to be more open to doing so many different things. I feel like 'yun 'yung natutunan ko rin dito sa pandemic, to take on new possibilities and challenges," sabi ng aktres.

"Marami pa akong hindi naipapakita, that's why I'm very, very excited. And parang feeling ko itong opportunity na ito dumating for me to be able to broaden my world, palakihin ang mundo ko, paramihin pa ang mga taong puwede kong makatrabaho," dagdag pa ni Bea.

Aasahan pa rin ang pagbida ni Bea sa mga drama, gayunman, bukas din siya sa iba pang projects.

"And siyempre, I will always go back to my core which is drama. So you will be seeing more of me on primetime. But definitely I would like to, as I said kanina, take on challenges. So I'll be open to doing different things this time," saad niya.

Naging Kapuso si Bea matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center nitong Hulyo 1. —LBG, GMA News