Inihayag ni Althea Ablan na maraming boys ang sumusubok na ligawan siya. Pero puwebe na bang mag-boyfriend ang young actress?

Sa "Mars Pa More," sinabi ni Althea, 16-anyos, na hindi muna niya pinapansin ang mga nagpaparamdam sa kaniyang mga boys.

Kinumpirma ni Althea ang hinala ng ilang fans na strict ang parents niya.

Paliwanag niya, "Agree diyan dahil only girl lang din po ako. Three brothers and then ako po only girl."

Si Althea ang pangatlo sa kanilang magkakapatid.

"Kaya strict 'yung parents ko especially pagdating sa boys. Marami po kasing nagta-try din na manligaw. Hindi talaga puwede," anang Kapuso teen actress.

Pinakikinggan daw ni Althea ang payo ng kaniyang mga magulang.

"Sabi po nila there's a right time. So hindi ko rin po alam," sabi niya.

Inaasahan na ang paghahanda ni Althea para sa Book 2 ng "Prima Donnas." --FRJ, GMA News