Looking forward si Polo Ravales sa kaniyang pagiging tatay ngayong isinilang na ng kaniyang fianceé na si Paulyn Quiza ang kanilang baby boy na si Yatrick Paul.

"Noong lumabas siya, parang nagising ka ulit. May new reality. So I'm looking forward to be a dad," sabi ni Polo sa GMA Regional TV Live.

"Now I'm enjoying itong fatherhood," dagdag ng aktor.

Inihayag naman ni Polo ang tatlong katangian na hinahangaan niya kay Paulyn.

"Caring, loving and strong," ani Polo.

Isinilang ni Paulyn ang kanilang anak nitong Setyembre 5, 2021 sa pamamagitan ng normal delivery.

 

 

Kabilang si Polo sa bagong romantic mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.-- FRJ, GMA News