Marami ang nanggigil sa galit sa role ni Claire Castro na si Cielo sa Kapuso afternoon series na "Nagbabagang Luha."

Ayon kay Claire, mayroong isang netizen na nagsabing gusto siyang ipakain sa buwaya dahil sa galit.

Si Cielo ang kapatid ng karakter ni Glaiza de Castro na si "Maita," na inaahas ang asawa nitong si Alex, na ginagampanan ni Rayver Cruz.

Ayon kay Claire, marami siyang natutunan sa pagganap bilang si Cielo bilang isang artist.
Pero paano naman kaya tinanggap ni Claire ang mga galit na komento sa kaniya ng mga manonood? At ano ang kaniyang ginagawa para mas kainisan pa ang kaniyang karakter? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News