Nakaranas ng kakaibang bakasyon ang Hollywood actor na si Orlando Bloom nang sabayan siya ng isang juvenile great white shark habang nagpa-paddleboarding sa karagatan ng Florida.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, nakuhanan ng kaibigan ng "Lord of the Rings" star ang pambhirang pagkakataon sa Malibu, Florida.

Sa video, makikita na kalmado lang si Orlando sa pagpa-paddleboard habang palangoy-langoy sa ilalim ang pating at kung minsan ay tumatabi pa sa kaniya.

May pagkakataon din na lumuhod si Orlando sa board para silipin ang pating na naging friendly naman sa aktor at sa kaniyang kasama.--FRJ, GMA News