Sa unang pagkakataon, ipinasip ng Kapuso star na si Alice Dixson ang kaniyang "forever."

Sa Instagram post, makikita ang larawan ng “Legal Wives” actress habang nagre-relax sa beach kasama ng isang lalaki na bahagyang tinakpan ang mukha ng heart sticker na may nakasaad na "Papa."

“Monday mornings be like,” saad niya sa caption.

May kasama pa itong “Mama [and] Papa,” at "My Forever."

 

 

Taong 2019 nang ihayag ni Alice na bigo siyang magbuntis at nagpasya sila ng kaniyang partner na subukan ang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Nitong nakaraang Mayo, ipinakilala na ni Alice ang kaniyang anak na si Baby Aura.— FRJ, GMA News