Inihayag ni Yasser Marta na crush niya ang Kapuso actress na si Arra San Agustin.

Sa programang "Mars Pa More," ikinuwento ni Yasser na nagsimula ang kaniyang pagka-crush kay Arra nang magkasama sila sa mga workshop.

"Nasa workshop kasi eh, kami ang palaging mag-partner sa workshop. Very deep din 'yung emotions na ini-invest sa workshop eh. Doon nabuo eh, 'yung pagtingin ko sa kaniya," pag-amin ng aktor.

"Ang ganda niya eh. Crush ko talaga siya," dagdag pa ni Yasser.

Nagkasama noon sina Yasser at Arra sa isang episode ng "Taste MNL" kung saan tinikman nila ang mga masasarap na pagkain sa Chinatown sa Binondo.

--FRJ, GMA News