Isang award-winning actor ang inaasahang magiging Kapuso na.

Sa isang social media post nitong Sabado, nagpasulyap ang GMA Network sa aktor na ito.

"He's happy to be back," saad sa poster, kung saan makikita rin ang bahagi ng mukha ng aktor at ang kaniyang matamis na ngiti.

"Multi-awarded actor, may malaking pasabog! Abangan iyan ngayong Martes," caption ng post.

Sa ngayon, meron na itong 6,800 reactions at 1,700 comments, kung saan kaniya-kaniya naman ng hula ang netizens. – Jamil Santos/RC, GMA News