Fresh at handa na ulit sumabak para sa upcoming projects si Bianca Umali matapos ang kaniyang solo vacation ng isang linggo sa Siargao.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Bianca na sadyang gusto niya ang dagat at magbabad sa araw.

"Every time naman ho na nagbi-beach ako, nagdadagat ako, talagang masaya ho ako. And I think it's also one of the reasons why sumakto rin sa akin si Sahaya noon, kasi hilig ko talaga 'yung dagat at hilig ko talagang nakabilad ako sa araw," anang aktres.

Sa kaniyang solong bakasyon, sinabi ni Bianca na nagkaroon siya ng oras magpahinga at mag-isip.

"I spent so much time reflecting and resting. I also made a lot of new friends. And I enjoyed my time away from the city," anang aktres.

"I really had to move away from what my normal life is just to think and para makahinga lang. Para mas makita 'yung bigger picture," dagdag niya.

Matapos makapagpahinga, dumalo si Bianca sa briefing para sa bago niyang project.

Magsisimula na ring magplano ang aktres para sa Pasko, na halos nalimutan na niya dahil sa dami ng trabaho.

"Wala pa pong clear plan because of what our situation here in Manila is. But hopefully, it's still traditional syempre, kasama ang lola at ang pamilya. Pero wala pa pong malinaw na plano," sabi ni Bianca.--Jamil Santos/FRJ, GMA News