Sa "ScrapBukingan" segment ng "Mars Pa More," hindi nakaiwas si Kuya Kim Atienza na mausisa tungkol sa kaniyang mga lumang larawan. Kabilang dito ang isang litrato ng kaniyang pagiging bodybuilder noong 1980s.

Sa naturang larawan, makikita ang malaking pangangatawan ni Kuya Kim habang naka-side biceps pose.

"'Yung picture sa kaliwa, I used to be a bodybuilder, litrato 'yan sa isang bodybuilding contest na 'Super Body of 1989.' I was a finalist, I did not win it, pero malaki ang katawan ko dati eh. I was 190 pounds and full of muscle," sabi ng Mars Pa More male host.

Sa dati niyang post sa Instagram, inilahad ni Kuya Kim na idolo niya ang mga bodybuilder na sina Arnold Shwarznnegger at Lou Ferrigno kaya nagpalaki rin siya ng katawan at nagbabad sa gym.

"I was so passionate about bodybuilding in the 80s. I admired the physiques of Arnold Shwarznnegger and Lou Ferrigno and would spend hours in the gym pumping iron. The norm then was to be as massive as possible kahit mukha na akong palaka," saad niya sa caption.

--FRJ, GMA News