Inihayag ng Korean-American actor na si Don Lee, o kilala rin bilang si Ma Dong-seok, na matagal na siyang fan ni Angelina Jolie kaya labis ang kaniyang tuwa nang maka-bonding niya ito sa Marvel film nilang "Eternals."

Tinawag na most diverse cast in Marvel history ang "Eternals," na pinangunahan ni Angelina.

Gaganap si Don bilang si Gilgamesh, ang pinakamalakas na miyembro ng superhero group.

Matalik na magkaibigan ang mga karakter nina Don at Angelina sa pelikula.

"Angelina Jolie, I'm a big fan. I've been a big fan for a long time. Not only she is an amazing actress, but she is also such a good and warm-hearted person," sabi ni Don sa panayam sa kaniya ni Lyn Ching.

"That's what made me comfortable, and to be able to film with her, and be able to have a strong bond," dagdag pa ng aktor.

Naging malapit din daw si Don sa buong cast ng "Eternals," at para na raw silang isang pamilya.

"We didn't have enough time to rehearsal. We just bonded like family. There was one particular time Chloe Zhao and I, we took the cast and went out on an adventure in London. And we took them to a Korean barbecue. The Korean barbecue was a very enjoyable experience," kuwento niya.

Pero sa tunay na buhay, gusto raw ni Don na matutunan ang "superpower" sa pagluluto.

"I want to be good in cooking," sabi ni Don.—Jamil Santos/FRJ, GMA News